Huling araw na naman ng bakasyon. At syempre di naman ako kasama dun dahil di na ako estudyante, feeling studyante lang ako. Napagdaanan ko na ang buhay na yan.
dahil pasukan na naman, marami ang abala na sa paghahanda ng kanilang mga uniporme at mga gamit pang eskwela. pero bago ka bumili o magpabili mag-isip isip muna dahil sayang ang pera. sa tingin ko heto ang mga listahan ng gamit dapat mong bilhin.
* Isang pad ng papel = para may hingiin ang mga kaibigan mo dahil alam nilang uto uto ka at ang papel nila ay itatago na lang nila para may magamit pa sila in the future. at pag ikaw ay nauubusan na ng papel di ka na nila kaibigan.
* Notebook - kahit di ka nagsusulat magpabili ka pa din. magandang props ito para makalibre sa pamasahe kahit sa mall ang punta mo. Heto ang magandang front cover; Fantasy characters (Dyosa or Dyesebel) kung ikaw ay galisin; Hearthrobs (Dingdong, Dennis, Richard, Gerard, John Lloyd etc.), para sa mga babae o baklang may ipit sa buhok pero army cut naman ang buhok; o kaya naman ay si pacwan.. I MEAN its pacman, para sa mahilig makipagbasagan ng mukha o mukhang parang basag pero normal lang;
* lapis/Ballpen - pwede na ung tig tatatlong piso na nabibili sa bangketa. dapat ang bilhin mo ay yung di maintindihan ang tatak na dudugo ang ilong ng sinumang makabasa, para pwede mong maipagmalaki sa mga kaklase mo na imported ito. wag mo lang ngangatngatin dahil baka may melamine at maaga kang gumraduate.
* Bag - Pumili ng malaki para mailagay ang lahat ng gamit pati na mga libro kahit di ka naman talaga nagbabasa. O kung wala namang libro na maipamigay ang eskwelahan nyo, pwede mo itong lagyan ng tinitinda mong kendi. Siguraduhin din na marami itong bulsa para maitago ng mabuti ang porn cd's at magazine mo.
* Kapote/ Payong - Kasabay din ng pasukan ang tag-ulan kaya't magpabili ka ng kapote (kung ikaw ay nasa elementarya pa lamang.. aay pwede na din pala sa high school na jologs, baduy, corny, whatever!). kung ikaw naman ay dalaga o baklang feeling dalaga, payong ang ipabili mo! ung maliit lang dahil for sure walang payong ang crush mo at makikisukob yun sayo. syempre no choice kau kundi pagkasyahin ang sarili nyo sa maliit na payong, magandang pagkakataon ito para ilabas ang pagka ulupong mo. Malay mo magkadevelopan kau, di matatapos ang taon nanay at tatay na din kau.
* Lunchbox - magbaon ka na lang para makatipid. pero kung nag-iinarte ka, wala akong pakialam dahil wala ka namang choice dahil recession ngaun. eto ang mga ulam na pwede mong ibaon. Deep sea, pwede na kahit walang sawsawan; kropek, chosen o fish cracker, masarap pag may sawsawang toyo na may suka at bawang; Itlog na maalat, pang dalawang araw na to dahil medyo mahal. kung lahat ng nabanggit ay wala ng available sa tindahan dahil nagkakaubusan na sa stock market, pumili na lang ng kahit anong chichirya na kaya mong ipartner sa kanin. wag mo ding kalimutang magdrama na parang ikaw ay gumaganap sa maalaala mo kaya habang kumakain.
* Uniform (optional) - Kung ikaw ay galing sa angkan na buena familia, bumili ka. ngunit kung wala namang pambili at medyo maputi pa naman ang luma mong uniform ay ipababad mo na lang sa nanay mo sa tina para maging bluish. pero kung kulay kalawang na, wag na lang dahil magmumukha ka lang trying hard.
Higit sa lahat na wag kakalimutan ay ang utak. hanapin mo na ang sarili mo ngaun pa lang dahil baka mag recitation kau at wala kang maisagot. Kung nahanap mo naman ang utak mo at wala ka pa ring maisagot eto ang sabihin mo "My family is the most impotant persons in my life, Thank You" sabay kumaway ka sa paligid na parang contestant ng binibining pilipinas. Tignan ko lang kung di ka batukan ng titser mo.